Advertisement

Responsive Advertisement

LPA Sa Labas Ng PAR, Mataas Na Ang Tyansa Maging Bagyo Sa Susunod Na 24 Oras, Ayon Sa Pagasa.

Huwebes, Oktubre 24, 2024

 



Ayon sa PAGASA, hindi pa man tuluyang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Bagyong Kristine, ay patuloy nilang binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na matatagpuan sa labas ng PAR. Ayon sa ulat, tumataas ang tyansa na maging isang ganap na bagyo ang naturang LPA sa susunod na 24 oras.


Inaasahan na magkakaroon ito ng mas malinaw na direksyon at lakas sa mga susunod na oras, kaya't hinihikayat ng PAGASA ang publiko na manatiling nakaantabay para sa mga susunod na abiso. Kasama sa mga tinitignan ay ang posibleng epekto nito sa panahon sa iba't ibang bahagi ng bansa, lalo na't kasalukuyang humaharap ang bansa sa mga epekto ng kasalukuyang bagyo, si Kristine.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento