Advertisement

Responsive Advertisement

"Mahalaga Ang Bawat Sandali" Arnel Pineda, May Emosyonal Na Paalala Sa Mga Anak Na Pahalagahan Ang Kanilang Mga Magulang

Lunes, Oktubre 14, 2024

 



Arnel Pineda, bokalista ng sikat na international band na Journey, ay nagbigay ng makahulugang mensahe para sa mga anak na tulad niya, na nananawagan na bigyang halaga at pagmamahal ang kanilang mga magulang habang sila'y naririyan pa.


Sa isang panayam kasama ang showbiz vlogger na si Ogie Diaz, ibinahagi ni Arnel ang kanyang personal na damdamin tungkol sa kahalagahan ng pag-aalaga sa mga magulang. Ayon sa kanya, mahalagang ipakita ang pagmamahal at pasasalamat sa kanila bago pa man dumating ang araw na wala na sila.


"In a wink of an eye, baka bigla silang mawala kaya kailangan walang pagsisisi or walang panghihinayang na sana ginawa ko 'to sa nanay ko," ani Arnel, na nagpapaalala sa mga anak na huwag maghintay ng tamang oras para ipahayag ang pagmamahal sa mga magulang. Dagdag pa niya, "Sana sinabi ko 'to sa nanay ko. Sana niyakap ko 'yung tatay ko ng ganon. Na sana nagpasalamat ako sa kanila kasi mahal na mahal nila ako."


Pinayuhan din niya ang mga netizens na huwag nang magpaliban sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang mga magulang dahil hindi habambuhay ay nariyan sila. "Wag na kayo magpasubali pa or wag na kayo mag-delay. Right now, mahalin niyo na agad sila kasi talagang iisa lang sila," sabi pa ni Pineda.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento