Advertisement

Responsive Advertisement

Maharlika, Binatikos Si Carlos Yulo: 'Wala Kang Utang Na Loob Sa Milo!,wag Suportahan Ang Kanyang Endorsements!"

Huwebes, Oktubre 10, 2024



Content creator na si Maharlika ay naglabas ng kanyang pagkadismaya sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa mga pahayag nito patungkol sa kanyang dating brand endorsement, ang Milo. Inakusahan ni Maharlika si Carlos na tila "walang utang na loob" sa Milo matapos pumili ng bagong brand endorsement, ang Choco Barley, at pagbibitiw ng mga pahayag na tila nagsasabi na hindi healthy ang Milo.


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Maharlika na "Sisingilin ka ng karma" at tinukoy ang masakit na damdamin ng isang magulang, partikular ang isang ina, kapag iniwan ng anak. Inudyukan pa niya ang netizens na huwag suportahan ang mga endorsements ni Carlos, dahil ayon sa kanya, hindi magandang ehemplo si Carlos sa kabataang Pilipino.


"Dapat hindi sinusuportahan ‘yung endorsements niyan. Ano ipo-promote niyo sa kanyang mga endorsement? Ang maging suwail na anak?" dagdag pa ni Maharlika, na tila tumutukoy sa isyu sa pagitan ni Carlos at ng kanyang mga magulang at pagiging ungrateful nito sa Milo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento