Maraming netizens ang nadismaya kay Maine Mendoza at Piolo Pascual dahil sa kanilang pag-suporta at pag-promote ng isang gambling platform, na tinuturing ng ilan na nagdudulot ng pagkasira sa mga pamilya at nagiging sanhi ng pagkakautang. Bilang dalawang malalaking pangalan sa industriya ng showbiz, malawak ang impluwensya nila sa masa, lalo na sa mga kabataan, kaya't naging malaking isyu ang kanilang pag-endoso ng gambling-related promotions.
Ayon sa mga kritiko, ang pagsali nina Maine at Piolo sa mga kampanyang ito ay nag-uudyok ng hindi magandang halimbawa para sa kanilang mga tagasubaybay. Ang pagsusugal ay nakikita ng marami bilang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng financial problems sa mga pamilyang Pilipino, at marami ang nagiging biktima ng utang dahil sa pag-asang yumaman agad mula sa mga sugal.
Dagdag pa ng mga netizens, dapat sana'y ginamit na lang ng dalawa ang kanilang kasikatan para mag-promote ng mga bagay na makakatulong sa komunidad tulad ng edukasyon, disiplina, at sipag sa trabaho, imbes na mag-endorso ng mga produktong may kinalaman sa sugal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento