Mavy Legaspi, anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, ay nagbigay ng kanyang opinyon hinggil sa usaping pag-ibig at relasyon, na naging usap-usapan ng marami kamakailan. Ayon sa aktor, hindi kailanman dapat ituring na isang "red flag" ang pagmamahal ng isang anak sa kanilang mga magulang.
Sa isang pahayag ni Carmina Villaroel, sinabi niyang hindi siya mangingialam sa magiging love life ng kanyang mga anak, maging kay Mavy o sa kanyang kakambal na si Cassy. Aniya, "Boto ako sa kahit sino na liligaw at liligawan ng anak ko. And in the future, kung sino man iyong makaka-relasyon nila, iyon lang iyong magiging boto ako. Hindi ako naghahanap ng perpekto, pero iyong may respeto sa lahat ng tao."
Bilang tugon, sinabi ni Mavy na mahalaga ang pagmamahal sa magulang at hindi ito dapat ituring na negatibong aspeto sa isang relasyon. “Laging tandaan na ang pagmamahal sa isang magulang, whether nanay or tatay, never iyon magiging red flag kahit anong mangyari,” ani Mavy.
Matatandaang nagkaroon ng isyu noon si Mavy matapos tawaging "mama's boy" sa gitna ng usap-usapan ng hiwalayan nila ni Kyline Alcantara. Sa pahayag ni Carmina, sinabi niya na nasa mga anak na rin ang desisyon kung susundin nila ang mga payo ng kanilang mga magulang o kung magpapasya sila para sa kanilang mga sariling buhay pag-ibig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento