Advertisement

Responsive Advertisement

Maymay Entrata, Kinuwento Kung Pano Siya Inirapan Ng Isang Artista Noong Baguhan Siya

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 



Ibinahagi ng Kapamilya actress at singer na si Maymay Entrata ang isang nakakaintrigang karanasan noong siya'y baguhan pa lamang sa industriya. Sa isang panayam kasama si Mimiyuuuh, isiniwalat ni Maymay kung paano siya inirapan ng isang artista noong una siyang sumabak sa mga programa ng ABS-CBN matapos lumabas sa bahay ni Kuya bilang Pinoy Big Brother (PBB) housemate.


Hindi itinuring ni Maymay bilang "bad experience" ang insidente, ngunit inamin niya na nasaktan siya sa ginawa ng naturang artista. Ayon sa kwento ni Maymay, labis ang kanyang tuwa at excitement na makakita ng iba’t ibang sikat na personalidad sa "ASAP Natin ‘To," isang kilalang Sunday noontime show, at sumubok siyang magpa-picture sa ilang artista. Subalit, hindi naging maayos ang kanyang karanasan nang makilala niya ang isang artista na tiningnan siya mula ulo hanggang paa at inirapan siya bago pa man siya makapag-request ng litrato.


“Uy buti na lang wala. Pero hindi naman yun bad experience talaga na sinigawan ako or minalditahan ako. It’s more like yung tingin sa akin. Kasi, di ba, kakalabas ko lang ng PBB tapos sobrang excited ako makita yung iba’t ibang artista. Pumunta ako sa ASAP Natin ‘To tapos nagpa-picture ako sa mga artista tapos itong isa, gusto ko sana magpa-picture. Bago ako magpa-picture, ginanito niya ako ‘day [tiningnan mula ulo hanggang paa]," kuwento ni Maymay.


Bagama’t hindi binanggit ni Maymay kung sino ang nasabing artista, malinaw na isa itong hindi malilimutang tagpo sa kanyang karera. Gayunpaman, idiniin ni Maymay na hindi niya ito isinasaalang-alang bilang masamang karanasan dahil naiintindihan niyang bahagi ito ng kanyang pagsisimula sa showbiz. Sa kabila ng pangyayaring iyon, patuloy na namamayagpag si Maymay sa kanyang karera at nananatiling positibo ang kanyang pananaw sa buhay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento