Advertisement

Responsive Advertisement

Mommy Min Nag-like! Fans Ng Kathden Kinilig Sa Sweet Moment Ni Alden at Kathryn Sa Viral Video! ‘Sana All’ Na Lang Daw Talaga!

Biyernes, Oktubre 18, 2024

 



Naging usap-usapan kamakailan ang sweet na moment nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na ibinahagi ng GMA Network sa isang Instagram post. Sa nasabing video, makikitang tinutulungan ni Alden si Kathryn sa pag-aayos ng kanyang damit upang hindi siya matisod habang naglalakad. Dahil sa eksenang ito, maraming KathDen fans ang nagpakilig at napa-"sana all."


Naglagay pa ng cute na caption ang GMA Network sa kanilang post: "MAPAPA-SANA ALL KA NA LANG TALAGA Ano kaya feeling na maalagaan ni Alden Richards, Kathryn Bernardo?" Dahil dito, mas lalong kinilig ang mga fans ng tambalan.


Ngunit ang mas ikinatuwa ng netizens ay nang mapansin nila na isa sa mga nag-like sa post ay ang mismong ina ni Kathryn, si Mommy Min. Maraming netizens ang agad na nag-react at nagkomento sa nasabing post, karamihan ay nagpakita ng suporta sa tambalan nina Kathryn at Alden. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: "Hooyy kailan po kayo aamin jusko!" at "Yung gwapo na tas gentleman pa sa kanya."


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento