Advertisement

Responsive Advertisement

Muling Ipinamalas ni Nora Aunor ang Kanyang Puso sa Bayan, Ibenenta ang Personal na Gamit Para sa mga Biktima ng Bagyo!

Biyernes, Oktubre 25, 2024

 



Muling nagpakita ng kanyang puso para sa bayan si Superstar Nora Aunor sa gitna ng kalamidad. Bilang tugon sa pananalasa ng bagyong Kristine, ibinenta ni Miss Nora ang ilan sa kanyang mga personal na gamit sa shop ni Boss Toyo upang makalikom ng pondo para sa mga nasalanta.


Sa kabila ng kanyang kasikatan, ibinahagi ni Miss Nora na hindi siya naroon bilang isang tanyag na artista kundi bilang isang kapwa Pilipino na nagnanais makatulong sa kanyang mga kababayan. Aniya, “Pare-pareho lang tayo na tao, walang Nora superstar, wala pong artista. Ang pakay ko po talaga ay baka makatulong kayo sa kababayan natin na nasalanta ng bagyong si Kristine."


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento