Advertisement

Responsive Advertisement

Nanghinayang? Priscilla Meirelles, Inamin ang Pagkaantala ng Mga Pangarap Matapos Maagang Magpakasal kay John Estrada!

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 



Inamin ng dating beauty queen na si Priscilla Meirelles na marami siyang nawalang oportunidad nang piliin niyang magpakasal kay John Estrada. Sa isang panayam kay Luis Manzano, sinabi ni Priscilla na bagama’t hindi niya pinagsisisihan ang pagbuo ng pamilya kasama ang aktor, may nararamdaman pa rin siyang panghihinayang dahil hindi niya naipagpatuloy ang kanyang mga pangarap.


Ayon kay Priscilla, may mga plano siya para sa kanyang sarili at karera na hindi natuloy dahil mas pinili niyang mag-focus sa kanyang pamilya. “I had plans for my life, a time frame, so to speak. I think, nowadays, the time frame has changed so much. If there’s one thing I would change but I do not regret it  it’s that I shouldn’t have gotten married so early,” pagbabahagi niya.


Dagdag pa ni Priscilla, naging pangunahing prayoridad niya ang kanyang pamilya at anak. “Your focus is on your family and kids. I did focus on my family and my daughter. I was a full-time mom,” aniya.


Gayunpaman, umaasa si Priscilla na balang araw ay maipagpapatuloy pa rin niya ang mga pangarap na hindi niya nagawa noong mas bata pa siya. “I didn’t regret [it], I have a wonderful family and a wonderful kid but I deprived myself of a lot of dreams that I had. I prayed that this time around, I can somehow resume them or achieve some of them,” pahayag niya.


Ikinasal sina Priscilla at John Estrada noong 2011, nang si Priscilla ay 27 taong gulang na.


Sa nakaraan, nagpahiwatig si Priscilla na dumaan sila sa ilang pagsubok sa kanilang relasyon. Napag-usapan din ang mga kontrobersya na kinasangkutan ni John, kabilang na ang mga ulat na ilang beses itong nahuling may komunikasyon sa ibang babae.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento