Isang kwento ng kabutihan ang nagbigay inspirasyon sa social media matapos ang isang food stall owner na pinapaakin ang mga galang hayop sa kanyang tindahan. Ayon sa may-ari, pantay-pantay ang kanyang pagtrato sa mga hayop, mapa-aso o pusa, na dumadaan sa kanyang pwesto. Para sa kanya, mahalaga na kahit ang mga hayop ay matulog ng busog.
Ang kwento ay nagpakita ng malasakit ng may-ari sa mga hayop na walang tahanan o pagkain, na naglalakad lamang sa mga lansangan. Ayon sa kanya, bilang isang animal lover, hindi siya nagdadalawang-isip na bigyan ang mga ito ng pagkain mula sa kanyang tindahan. Pinahihintulutan niya ang mga hayop na makakain ng libre sa kanyang food stall, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na pantay na pagtrato sa lahat ng nilalang, kahit na ito ay mga hayop na lagalag.
Maraming netizens ang humanga at nagpahayag ng kanilang suporta sa may-ari ng food stall, na para sa kanila ay isang magandang halimbawa ng malasakit at kabutihan sa kabila ng sariling kakayahan. Ang kwento ay nagsilbing paalala sa marami na maging mahabagin at magmalasakit sa kapwa, maging ito man ay tao o hayop.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento