Advertisement

Responsive Advertisement

Nora Aunor Namangha Nang Malaman Hindi Bababa Sa 5 Milyon Ang Iconic Nitong Damit Sa Tawag Ng Tanghalan 1967

Lunes, Oktubre 28, 2024

 



Ikinagulat ni Nora Aunor nang marinig niya mula kay Boss Toyo ang halaga ng kanyang lumang damit na dinala niya sa shop ng sikat na vlogger at may-ari ng Pinoy Pawnstars. Ang nasabing damit ay ang kanyang suot noong siya ay nagwagi sa Tawag ng Tanghalan noong 1967, isang makasaysayang tagumpay na nagpasimula ng kanyang matagumpay na karera sa showbiz.


Ayon kay Boss Toyo, tinatayang nasa P5 milyon ang halaga ng iconic na damit ni Ate Guy. Namangha siya sa sentimental at historikal na halaga ng damit, na isang simbolo ng tagumpay ni Nora at ng kanyang kontribusyon sa kulturang Pilipino.


“Kaya ko po dinala para makita po ninyo. Ang pakay ko po talaga ay para makatulong po kayo sa mga kababayan po natin na nasalanta ng bagyong si Kristine sa Bicol,” pahayag ni Ate Guy. Ipinakita ni Nora ang kanyang pagmamalasakit sa kanyang mga kababayan sa Bicol sa pamamagitan ng pag-aalok ng ilang mga personal na gamit bilang tulong. Nagbigay rin si Boss Toyo ng P250,000 bilang donasyon na idaragdag sa pondo para sa mga nasalanta ng bagyo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento