Advertisement

Responsive Advertisement

Pag Respeto O Pag Insulto? Solid Directioner Fan Naghanda Ng Lamay Para Sa Pumanaw Na Miyembro Ng One Direction

Lunes, Oktubre 21, 2024

 



Isang solid Directioner fan ang naging usap-usapan online matapos siyang maghanda ng mock lamay para sa pumanaw na miyembro ng One Direction na si Liam Payne. Ang nasabing lamay ay may kasamang kabaong, bulaklak, at malaking portrait ni Liam bilang tanda ng kanyang pagdadalamhati sa pagkamatay ng idolo.


Sa isang post, sinabi ng fan, “Yung hindi ka makapunta sa lamay ni Liam kaya nagpagawa ka ng sarili mong lamay,” na nagpapakita ng kanyang labis na kalungkutan sa pagkawala ni Liam.


Ayon sa ilang sources, binuksan pa ang mock funeral para sa iba pang Directioners na nais makiramay. Gayunpaman, hindi lahat ng netizens, pati na rin ang ibang One Direction fans, ay natuwa sa ginawa ng fan. May mga nagkomento na hindi nararapat ang ganitong klaseng gesture, lalo na’t tila wala raw pag-unawa sa tunay na kalagayan ng pumanaw na si Liam habang siya’y nabubuhay.


Isang netizen ang nagsabi, “While he was alive, no one came to comfort him ..so sad. Now he is gone, everyone is talking about the good things he has done on this planet.” May isa pang nagkomento, “Kahit pictures na lang sana display kesa ganyan wala namang laman. Lakas ng trip mo mare!”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento