Hindi maiwasan ng mga netizens na ipagkumpara ang dalawang kilalang atletang Pilipino, sina EJ Obiena at Carlos Yulo, dahil sa kanilang magkaibang personalidad. Sa kabila ng pagiging parehong world-class athletes, binibigyang pansin ng ilang netizens ang mga pagkakaiba nila hindi lamang sa larangan ng sports kundi pati sa kanilang pagkatao at ugali.
Ayon sa mga komento sa social media, bagama't hindi nanalo ng medalya sa Olympic Games si EJ Obiena, maraming netizens ang naniniwalang mas "deserving" siya kumpara kay Carlos Yulo. Ito ay dahil sa itinuturing nilang magandang ugali at masarap pakisamahan ni Obiena. Marami ang nagpapahayag ng paghanga sa kababaang-loob ni EJ, na ayon sa kanila ay nagbibigay ng inspirasyon hindi lamang sa kanyang mga tagahanga kundi pati sa mga kapwa atleta.
Samantala, si Carlos Yulo, na isa sa mga pinakatanyag na Filipino gymnasts at nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa iba't ibang international competitions, ay patuloy na nakakatanggap ng kritisismo mula sa ilang mga netizens. Ang mga komentong ito ay madalas tumutukoy sa kanyang personalidad na, ayon sa iba, ay mas tahimik at reserved. Bagama't napakarami pa rin ang sumusuporta kay Carlos Yulo, ang mga isyu sa pagkukumpara ay nagbigay-daan para magkaroon ng diskusyon ukol sa mga pamantayan ng "deserving" sa mata ng publiko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento