Advertisement

Responsive Advertisement

Pagtawag Ng "Ma'am" Sa Mga Transwomen, Common Sense Lang Dapat Ayon Sa Isang LGBT Social Media Personality.

Linggo, Oktubre 6, 2024

 



Muling sumiklab ang diskusyon sa social media tungkol sa tamang pag-address sa mga transwomen, partikular na sa paggamit ng tamang pronouns, kasunod ng isang viral video mula sa vlog na "AFAM Hunter". Ang nasabing video ay naglalarawan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community na tinatalakay ang kakulangan umano ng common sense ng ilang Pilipino pagdating sa gender sensitivity at paggamit ng tamang pronouns, lalo na para sa mga transwomen.


Sa video, isang miyembro ng LGBTQIA+ community ang nagpahayag ng kanyang opinyon na dapat ay awtomatiko na ang pagtawag ng "ma'am" o "miss" sa isang indibidwal na nag-aayos at nagdadamit na parang babae.


"We have eyes, you have eyes... You can see this person wearing heels, dress, long hair... diba parang common sense?" pahayag ng isang LGBT personality sa vlog. Ipinahayag niya na sa pagtingin pa lamang sa pisikal na itsura ng isang tao, lalo na kung nakasuot ito ng pambabae, dapat na maging malinaw kung ano ang tamang address o pronoun na gagamitin.


Dagdag pa niya, "I think some people here in the Philippines are lacking common sense," na nagdulot ng debate sa social media tungkol sa responsibilidad ng mga Pilipino sa pag-intindi at pagrespeto sa mga transwomen at iba pang miyembro ng LGBTQIA+ community.


Pabor naman si Kimberly Anne, isang kilalang LGBTQIA+ social media personality, sa kanyang kasamahan sa vlog. Ayon kay Kimberly, simple lamang ang dapat gawin—mag-isip bago magsalita. Para sa kanya, dapat ay i-assess muna ng mga tao ang hitsura at pagkakakilanlan ng isang tao bago bigkasin ang "sir" o "ma'am".


"Common sense nalang 'yon na nakita mo na 'yung tao na ang haba ng buhok, may malaking s*so, tatawagin mo paring sir? First and foremost, diba sinasabi natin na before you speak, mag-isip ka muna," ani Kimberly sa vlog.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento