Advertisement

Responsive Advertisement

Pambansang Kolokoy, Inamin na Bumagsak ang Kita sa Social Media Matapos ang Hiwalayan kay Grace

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 



Sa isang emosyonal na pahayag, inamin ni Joel Mondina, kilala bilang Pambansang Kolokoy, na halos wala na siyang kinikita mula sa kanyang social media platforms matapos ang kanyang hiwalayan sa dating asawa niyang si Grace Mondina. Sa kabila ng mga pagsubok, iginiit ni Joel na patuloy siyang sumusuporta sa kanilang mga anak sa Amerika, kahit pa limitado ang mga oportunidad niya sa ibang bansa kaya pinili niyang manatili at magtrabaho sa Pilipinas.


Ayon kay Joel, ang mga negatibong komento at akusasyon na ipinarating sa kanya sa social media ay nagdulot ng matinding epekto sa kanyang kita. "Kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo sa social media para bumagsak ako, then there you go, congratulations, bumagsak ang social media ko. Halos wala na akong kitain," sabi ni Joel.


Dagdag pa niya, mas pinili na lamang niyang mag-stay sa Pilipinas upang magkaroon ng mga raket at patuloy na masuportahan ang kanyang mga anak. "Kaya mas pinili ko nalang na mag-stay dito sa Pilipinas, at least dito may raket ako. Para ma-sustentuhan ko 'yong mga anak ko sa’yo," aniya.


Kasama rin sa mga isyung binigyang-linaw ni Joel ang akusasyon na siya ay nangaliwa. Ayon sa kanya, nagsimula na ang proseso ng kanilang divorce ni Grace bago pa siya pumasok sa bagong relasyon. "Bago pa kita iniwan, nag-file ka na ng divorce. Kaso nung nalaman mong nakikipag-date na ako, may kinakausap na ako, kinansel mo yang divorce na yan. Yan ang katotohanan," paliwanag ni Joel.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento