Ipinahayag ng Pangulo ang kanyang pagkabahala sa posibleng pinsalang dala ng bagyo, at aminado siyang limitado lamang ang magagawa nila sa kasalukuyang sitwasyon.
“It’s really the flooding that we are going to deal with. So… Anong gagawin natin?”
Aniya, “Medyo nakakaramdam ako ng kaunting kawalan ng magagawa dito, kasi wala tayong magagawa, ang tanging magagawa natin ay maghintay, magdasal, at umasa na hindi masyadong malaki ang pinsala, na walang casualties, at makaresponde agad-agad pagkatapos ng bagyo.”
Pinahayag ng Pangulo ang kanyang frustration dahil sa kabila ng mga paghahanda at pagtutok sa sitwasyon, wala silang kontrol sa kalikasan. Gayunpaman, tiniyak niya na ang gobyerno ay gagawin ang lahat ng makakaya para masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan at makapagbigay ng agarang tulong sa mga apektadong lugar.
“We are experiencing the same phenomenon that we have been that I have been commenting on, all of us have been noticing ang bilis mag-develop nung bagyo. It was just a low pressure area and now look at pati the strength of it. And the volume of water are the volumes of water are unprecedented,” dagdag pa nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento