Advertisement

Responsive Advertisement

PBBM: 'Wala Tayong Magagawa Kundi Maghintay' – Hinimok ang Publiko na Maghanda sa Malawakang Epekto ng Bagyo!

Sabado, Oktubre 26, 2024

 



Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na sa kasalukuyan, ang tanging magagawa ng pamahalaan ay hintayin na makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong tumama sa bansa. Sa kanyang pahayag, sinabi niya, "Wag muna nating pasukin ang Region 1 and Region 2 dahil paparating pa lang. There is nothing we can do except wait for it to pass." Bagamat hindi ito gaanong malakas na bagyo, ayon sa Pangulo, malawak ang magiging epekto nito sa mga rehiyon na tatamaan.


Inatasan na ng Pangulo ang mga ahensya ng pamahalaan na sundin ang mga nakatakdang proseso sa pagtugon sa kalamidad. Kabilang dito ang kautusan na tanggalin ang kuryente sa mga lugar na posibleng malubog sa baha upang maiwasan ang panganib na dulot ng live wires at short circuiting.


Sa kabila ng ganitong sitwasyon, patuloy pa rin ang panawagan ng Pangulo na mag-ingat ang publiko at sumunod sa mga babala ng mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento