Advertisement

Responsive Advertisement

Rebelasyon Ni Julius Manalo Kung Bakit Siya Iniwan Ng Kanyang Ina: "Dahil Mag-aasawa Ng Iba Ang Nanay Ko at Ayaw Ako Ng Mapapangasawa Niya"

Martes, Oktubre 22, 2024


 

Ibinahagi ng ina ni Julius Manalo, si Oh Geum Nim, kung bakit siya napilitang iwanan ang kanyang anak. Ayon kay Julius, sinabi sa kanya na ang dahilan ng paghihiwalay nila ay dahil mag-aasawa muli ang kanyang ina, at ang bagong mapapangasawa nito ay ayaw sa kanya. Sa mga pahayag ni Julius, inamin niya na mas pinili ng kanyang ina na siya ay mahiwalay sa kanya, hindi lamang dahil sa bagong kasal kundi dahil sa hindi magandang trato ng mga Koreano sa mga mix-race tulad niya.


"Ang reason daw kaya binigay ako sa tatay ko is dahil mag-aasawa ang nanay ko at ayaw ako ng mapapangasawa niya." wika ni Julius. 


Napag-alaman ni Julius, matapos ang maraming taon, na mas malalim pa ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ayon sa kanya, matagal siyang nagdusa sa paniniwalang inabandona siya ng kanyang ina dahil sa bagong pamilya. Ngunit nagkaroon ng pagkakataon na sila'y magtagpo muli, at nagkaroon ng linaw sa mga hindi pagkakaintindihan na matagal nang bumabalot sa kanilang buhay.


Matatandaang umuwi si Julius kasama ang kanyang ama sa Pilipinas matapos ang hiwalayan, at mula noon, tumagal ng 31 taon bago sila muling nagkita ng kanyang ina, na naging emosyonal na sandali para sa kanilang dalawa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento