Hindi ikinatuwa ng motivational speaker na si Rendon Labador ang ginawang performance ng aktres at singer na si Julie Anne San Jose sa loob ng simbahan ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Occidental Mindoro. Sa kanyang social media post, mariing binatikos ni Rendon ang nasabing performance at ang mismong simbahan dahil sa pagpayag na magkaroon ng isang secular na pagtatanghal sa loob ng banal na lugar.
Ayon kay Rendon, tila nawawala na ang respeto ng mga tao sa simbahan. Ang kanyang mga pahayag ay patungkol sa ginawang performance ni Julie Anne, kung saan siya'y kumanta at sumayaw sa harap ng altar ng simbahan. Binatikos ni Rendon hindi lamang ang venue ng pagtatanghal kundi pati na rin si Julie Anne San Jose, na kanyang tinawag na "maganda ka lang pero mahina ang ulo mo."
Sinabi ni Rendon, "Nakakahiya at walang pinag-aralan, grabe nakakalungkot," na nagpapahiwatig ng kanyang labis na dismayado sa ganitong uri ng pagtatanghal sa loob ng isang sagradong lugar tulad ng simbahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento