Sa patuloy na usapin tungkol sa personal na buhay ni Carlos Yulo, nagbigay muli ng matapang na opinyon ang motivational speaker na si Rendon Labador. Ayon kay Labador, si Yulo ay tila mas higit na nawalan dahil ipinagpalit umano nito ang kanyang pamilya para lamang sa dalawang gintong medalya. Binigyang-diin ni Labador na ang pamilya ay laging naroon sa hirap at ginhawa, samantalang ang medalya, gaano man ito kahalaga sa ngayon, ay maaaring maglaho paglipas ng panahon.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Rendon, "Mas mabigat pa rin ang pamilya kaysa sa dalawang gintong medalya," na tila pagpapaalala kay Yulo na ang relasyon sa pamilya ay dapat mas pinahahalagahan. Ipinunto niya rin na ang medalya, gaano man ito kaganda at kasingning ng ginto, ay pansamantala lamang, ngunit ang pamilya ay nagbibigay ng pangmatagalang suporta at pagmamahal.
Idiniin din ni Rendon na ang mga tagumpay sa career, katulad ng pagkapanalo ng medalya, ay maaaring maglaho o mawalan ng halaga sa paglipas ng panahon, ngunit ang pamilya, na kasama mo sa lahat ng pagsubok at tagumpay, ay mananatili.
Bagama't hindi nagbigay ng pormal na tugon si Carlos Yulo ukol sa komentaryong ito, patuloy na nagiging mainit na usapin sa social media ang relasyon niya sa kanyang pamilya at ang mga kasalukuyang isyu na bumabalot dito.
Sa kabila ng mga kontrobersiyal na pahayag ni Rendon, hati ang opinyon ng mga netizens. May ilan na sumasang-ayon sa kanyang pahayag, na nagsasabing walang papantay sa halaga ng pamilya. Subalit, may iba rin na nagsasabing hindi dapat husgahan si Carlos base lamang sa mga personal na isyu, lalo na't napakarami na niyang nagawa para sa bayan bilang isang atleta.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento