Nagpaulan ng maanghang na mga pahayag ang motivational speaker na si Rendon Labador patungkol kay Carlos Yulo, ang tanyag na Filipino gymnast at two-time Olympic gold medalist. Sa kanyang Instagram post, direkta niyang sinabi na dapat lamang itapon ni Carlos ang kanyang mga medalya kung hindi siya magbabalik-loob sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang ina.
Ayon kay Rendon, naranasan niya rin noon ang malayo sa kanyang pamilya para sundan ang kanyang mga pangarap. Katulad ni Carlos, iniwan din ni Rendon ang kanyang pamilya upang maghanap ng tagumpay sa buhay. Ngunit ngayon, sa kanyang opinyon, natutunan niya na ang halaga ng pamilya—lalo na ang pagmamahal ng isang ina.
Binigyang-diin ni Rendon na mas mahalaga ang relasyon sa pamilya kaysa sa anumang tagumpay o medalya. "Balewala ang lahat ng medalya mo kung wala ang iyong pamilya sa tabi mo," ani ni Labador. Sinabi rin niyang hindi dapat hayaang masira ng ibang tao ang buhay ni Carlos at pinaalalahanan siyang bumalik sa kanyang ina, na siyang nagbigay ng buhay sa kanya.
Hindi naiwasan ni Rendon na maging kontrobersyal ang kanyang payo, lalo na sa pagtukoy sa isang "babaeng sisira ng buhay" ni Carlos. Ayon kay Labador, mayroon pa raw sapat na oras si Yulo upang layuan ang babaeng ito at bumalik sa babaeng tunay na mahalaga—ang kanyang ina. Bagamat hindi binanggit ni Rendon kung sino ang tinutukoy niyang babae, malalim ang kanyang mensahe tungkol sa pagpili ng tamang mga relasyon at pagsasakripisyo ng personal na tagumpay para sa kapakanan ng pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento