Nagbigay babala at ipinaala ni Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang kahalagahan ng mental health ni Vice President Sara Duterte na parang may sakit sa utak matapos ang mga pahayag nito laban sa kanyang pamilya, partikular sa yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sa isang pahayag, tinukoy ni Sandro ang diumano'y "sumosobrang" mga komento ni VP Duterte, kabilang ang kontrobersyal na sinabi nito na huhukayin ang labi ni Ferdinand Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea. Ayon kay Sandro, bagama’t masakit at hindi siya sang-ayon sa mga sinabi ng Pangalawang Pangulo, mas mahalaga umano na maglaan ng atensyon sa kalusugan ng kaisipan ng bawat isa.
Aniya, "Let this be an opportune time to remind ourselves that we mustn't take our mental health for granted and that above all else I sincerely hope she is okay." Ang mensahe ni Sandro ay pagbibigay paalala sa mga pahayag ni VP Duterte, at nagbigay-diin sa kahalagahan ng mental health, lalo na sa gitna ng matinding pampulitikang tensyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento