Advertisement

Responsive Advertisement

Rodjun Cruz Depensa Kay Julie Anne San Jose: "Wala Kang Kasalanan, Iniisip Mo Lang Palagi Na Mapasaya at Ma-inspire Ang Mga Audience Mo!"

Lunes, Oktubre 14, 2024


 

Matapang na dinepensahan ni Rodjun Cruz si Julie Anne San Jose matapos ulanin ng batikos dahil sa kanyang pag-perform sa loob ng simbahan. Ayon kay Rodjun, wala daw kasalanan si Julie Anne at ipinakita lamang nito ang kanyang pagiging propesyonal para mapasaya at ma-inspire ang kanyang audience!


Sa kabila ng mga batikos na natanggap ni Julie Anne San Jose dahil sa kanyang pagkanta at pagsasayaw sa loob ng simbahan ng Nuestra SeƱora del Pilar, nagpakita ng suporta ang aktor na si Rodjun Cruz. Sa kanyang mensahe, pinuri ni Rodjun ang pagiging professional ni Julie Anne, na aniya'y laging iniisip ang kaligayahan at inspirasyon ng kanyang audience.


"Wala kang kasalanan dun. Professional ka lang talaga at iniisip mo lang palagi na mapasaya at ma-inspire ang mga audience mo!" wika ni Rodjun sa kanyang pahayag.


Matatandaang humingi na ng paumanhin si Julie Anne at ang simbahan sa nangyaring kontrobersya, ngunit nananatili ang suporta mula sa mga kaibigan at tagasuporta ni Julie Anne, tulad ni Rodjun, na naniniwalang wala siyang maling nagawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento