Ibinahagi ng aktor na si Romnick Sarmenta ang isa sa mga bumabagabag sa kanya patungkol sa Davao. Sa isang post sa X (dating Twitter), tinanong ni Romnick kung bakit tila madalas natutunton ang mga taong pinaghahanap ng batas sa Davao.
Ang kanyang tanong ay naging mapag-usapan online matapos niyang banggitin, "Bakit yung mga pinaghahanap ng batas, madalas sa Davao natutunton? Maganda ba talagang taguan ang Davao? O may tumutulong magtago?" Nagbunga ito ng sari-saring reaksyon mula sa netizens, partikular na sa mga taga-Davao.
Kasunod nito, idinagdag ni Romnick na may respeto siya sa maraming taong taga-Davao, at alam niyang marami sa kanila ay matitino at marangal. Subalit, aniya, hindi pa rin niya maiwasang itanong kung bakit tila ligtas ang mga nagtatago sa batas sa lugar na ito.
“The sad part is... I know some people from Davao. Respectable and honest people. So hindi pwedeng sabihing lahat... Pero bakit nga doon safe ang mga nagtatago?" dagdag ni Romnick, na tila nagbibigay diin na ang kanyang komento ay hindi para sa lahat ng taga-Davao, ngunit para sa mga isyu ng seguridad sa mga kriminal.
Hindi natuwa ang ilan sa mga taga-Davao sa tanong ni Romnick. Para sa kanila, tila walang sapat na basehan ang pahayag na ito at maaaring makasira sa imahe ng kanilang lugar. Maraming netizens mula sa Davao ang nagsabing hindi makatarungan ang ganitong tanong, lalo na't ito ay batay lamang sa mga natutunton na mga kriminal, na maaaring nangyayari rin sa iba pang lugar sa bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento