Advertisement

Responsive Advertisement

Vic Sotto, Tumangging Pumasok sa Pulitika: "Hindi Kailangan ng Pulitika para Makapaglingkod!"

Martes, Oktubre 8, 2024

 



Sa kabila ng ilang mga encouragement para tumakbo sa pulitika, nananatiling matatag ang posisyon ng veteran TV host na si Vic Sotto na hindi kinakailangan ang pulitika para makapaglingkod sa publiko. Ayon kay Vic, ang kanyang trabaho bilang host ng "Eat Bulaga" ay isa nang uri ng public service.


Sa isang panayam, sinabi ni Vic, "You don't have to be in politics to be of public service. Because with 'Eat Bulaga,' it's more of public service." Para sa kanya, sa pamamagitan ng entertainment at pagbibigay saya sa mga tao, nakakapagbigay siya ng kontribusyon sa lipunan, kahit sa kanyang simpleng paraan.


Pinili ni Vic na iwan ang pulitika sa kanyang kapatid at anak. "I leave that to my brother. He's more comfortable. I leave that to my son, Vico," ani niya. Kilala ang kanyang kapatid na si Tito Sotto at anak na si Vico Sotto sa kanilang mga posisyon sa pulitika. Mas pinipili ni Vic na manatili sa industriya ng showbiz kung saan naniniwala siyang, "kahit papaano, nakakatulong ako sa mga kababayan natin, in my own little way."


Sa kabila ng pagiging isang tanyag na personalidad, nananatili si Vic sa kanyang adbokasiya ng pagbibigay serbisyo sa kanyang sariling paraan—sa pamamagitan ng entertainment at pagiging bahagi ng tahanan ng maraming Pilipino araw-araw sa pamamagitan ng Eat Bulaga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento