Kamakailan ay naging usap-usapan ang pasaring umano ni Vice Ganda kay Julie Anne San Jose matapos magbiro ang komedyante sa segment ng "Tawag ng Tanghalan" sa "It’s Showtime." Sa nasabing episode, pinuri ni Vice ang isang contestant dahil sa ganda ng boses nito, at sa gitna ng kanyang papuri ay nagbitaw siya ng birong tila naglalaman ng banat tungkol sa pagkanta ng “Dancing Queen” sa simbahan, na naging kontrobersyal matapos itong gawin ni Julie Anne sa isang event sa Occidental Mindoro.
Ani Vice, “Ang ganda ng boses. ‘Pag narinig mo, parang Linggo... Ano’ng kinakanta sa simbahan? ‘Dancing Queen’? Charot! Charot lang, kayo naman! Sinasakyan ko lang mga eksena n’yo, mga trip n’yo!” Dahil dito, marami ang nagtanong kung ito nga ba ay patama sa ginawa ni Julie Anne na kinondena ng ilang netizens matapos siyang kumanta at magsayaw sa harap ng altar habang suot ang isang glamorosong backless gown.
Maraming netizens ang nagkaroon ng kanya-kanyang interpretasyon sa biro ni Vice. May mga nagsasabing simpleng patawa lamang ito na tumutukoy sa kontrobersiya ni Julie Anne, samantalang may ilan naman ang nagsasabing hindi dapat gawing biro ang ganitong seryosong isyu.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento