Advertisement

Responsive Advertisement

Vice Ganda Tinawag na 'Pinakamalaking Ipokrito' ng Netizens Matapos Suportahan ang Pagtakbo ni Ion Perez sa Pulitika!

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 



Naging usap-usapan kamakailan ang kontrobersiya sa pagitan nina Vice Ganda at ng kanyang partner, si Ion Perez, matapos maghain ng certificate of candidacy si Ion para tumakbo bilang konsehal sa Tarlac. 


ng desisyon ni Ion na pumasok sa mundo ng pulitika ay matagal nang pinag-uusapan, ngunit hindi ito pabor sa ilang netizens.


Matapos ang pormal na anunsyo ng kanyang pagtakbo, marami ang pumuna kay Vice Ganda sa social media. Tinawag pa siya ng ilang netizens na "pinakamalaking ipokrito" dahil sa kanyang pagsuporta kay Ion, kahit na dati na siyang nagpahayag ng opinyon laban sa mga kandidato na tila hindi kwalipikado para sa mga posisyon sa gobyerno.


Isa sa mga netizens na nagpahayag ng kanyang pagkadismaya ay nagsabi: “I can’t help but express my deep frustration with Ion’s candidacy. It’s not about his ability to speak English; it’s the apparent lack of depth or substance... Frankly, it’s disheartening to see someone with such limited qualifications step into such a crucial role.”


Bukod pa rito, binalikan din ng mga netizens ang naunang pahayag ni Vice tungkol sa kanyang pagtanggi na pumasok sa pulitika. Aniya noon, “May nag-offer sa akin mataas na position. Naloka ako! Hindi ako magaling dun. Feeling ko pwede akong manalo kasi marami akong followers, maraming fans, maraming boboto sa akin. Pero hindi ako magaling dun so bakit ako pupunta roon? Ipapahamak ko ang Pilipinas?”


Dahil sa mga pahayag na ito, tila nagtatanong ang publiko kung bakit pinili ni Vice Ganda na suportahan ang kandidatura ni Ion, sa kabila ng kanyang mga naunang sinabi laban sa mga kandidato na walang sapat na kakayahan. Umani ng samu't saring reaksyon ang isyung ito, at naging mainit na paksa ng diskusyon sa social media.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento