Advertisement

Responsive Advertisement

Viral Cop Julius Manalo, Ibinahagi ang Espesyal na Liham na Natanggap Mula kay Toni Gonzaga Matapos ang Kanyang Panayam sa Toni Talks!

Lunes, Oktubre 28, 2024

 



Masayang ibinahagi ng viral police officer na si Julius Manalo ang isang espesyal na liham na natanggap niya mula sa TV host at actress na si Toni Gonzaga matapos siyang magpa-interview sa "Toni Talks." 


Ayon kay Julius, hindi niya inaasahan ang makakatanggap ng sulat at regalo mula kay Toni, at sinabi niya na itinuturing niya ito bilang isa sa mga mahalagang alaala sa kanyang buhay.


Ipinahayag din ni Julius na wala siyang natanggap na anumang bayad mula sa interview, bagkus ay kusang-loob niyang ibinahagi ang kanyang istorya sa hangaring makapagbigay inspirasyon sa iba.



"Good morning po sa lahat, I would like to say thank you sa gift, tinago ko na tong tag na to sa mga chine-cherish kong gamit, naisip ko lang ishare po ngayon," ani Julius sa kanyang post.


Matatandaang nag-viral ang kwento ni Julius matapos niyang ibahagi ang kanyang personal na istorya sa "Toni Talks." Sa nasabing panayam, isinapubliko ni Julius ang kanyang desisyon na hanapin ang kanyang ina sa South Korea matapos silang magkahiwalay ng 31 taon. Ang kanyang kwento ay umantig sa maraming Pilipino, at nakatanggap siya ng papuri dahil sa kanyang lakas ng loob na ibahagi ang kanyang buhay sa madla.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento