Sa darating na 2025 senatorial election, pinahayag ni Willie ang kanyang intensyon na tumakbo bilang senador, at tila ang kanyang pangako sa mga tagasuporta ay dadalhin ang kilig at kasiyahan ng Hep-Hep Horray at kending-kending sa loob ng Senado kung sakaling siya ay manalo.
"Kung tatakbo ako sa senado, makikipag away ako? makikipag englisan ako? Ang gagawin ko "Hep hep horray! Kung may mag aaway sasabihin ko sa mga colleague ko sa senado, Makinig kayo "Kending-kending!"
Binigyang-diin niya ang kanyang adbokasiya na magbigay ng kasiyahan at tulong sa mga kababayan sa pamamagitan ng batas. Para kay Willie, ang konsepto ng Hep-Hep Horray ay simbolo ng kanyang kagustuhang dalhin ang energy at positivity sa publiko, kahit sa serbisyong pampubliko. Aniya, nais niyang maging boses ng mga pangkaraniwang Pilipino sa Senado at magpatuloy sa pagtulong, katulad ng ginagawa niya sa kanyang programa.
Gayunpaman, hati ang opinyon ng mga netizens at tagasubaybay ng pulitika. Habang marami ang nagtitiwala sa kanyang puso para sa mga mahihirap, may mga nagtatanong din kung sapat na ang kanyang karanasan at kakayahan upang gampanan ang tungkulin ng isang senador.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento