Advertisement

Responsive Advertisement

Xonia Contis, May Madamdaming Liham Para Sa Kanyang Stepfather: "Thank You for Taking Care of Me, You Are the Best Dad"

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 



Ibinahagi ng dating EB Babe na si Lian Paz ang madamdaming liham na isinulat ng kanilang anak na si Xonia Contis para sa kanyang stepfather na si John Cabahug. Ayon kay Lian, nagkaroon ng matinding asthma si Xonia, at si John ang naging takbuhan nito sa mga oras ng kanyang pangangailangan.


Narito ang liham ni Xonia sa kanyang step father: "Dear dad, thank you for taking care of me. I love you so much, I will never forget the memories we are together, you are the best dad. I love you dad "


Sa kanyang post, ikinuwento ni Lian ang naging pag-aalaga ni John kay Xonia, lalo na noong kailangang dalhin ito sa ospital upang mabigyan ng tamang gamot para sa kanyang kondisyon. "Xonia had asthma (sobra) to the point na dapat dalhin sa ospital. Dinala siya ni John para ma-prescribe siya ng saktong medicine and whenever she have asthma, ang lagi niya hinahanap ay si John. She finds comfort kasi bubuhatin siya, patulugin, at hihilutin siya," ani Lian.


Sa kabila ng hirap na naramdaman, laking gulat ni Lian nang makita niyang gumawa ng liham si Xonia para kay John bilang pasasalamat. "The next day, medyo okay ang pakiramdam niya, she wrote a letter pala and gave it to John. When I saw her letter, I couldn't help but cry. I didn't know how emotional my baby Xonia... The words she wrote, I was amazed... She knew what she's talking about already, talaga nga namang big girl na," dagdag ni Lian.


Sa kabila ng isyung hindi nagsusustento si Paolo Contis sa kanilang mga anak, binanggit naman ni Paolo na siya ay nag-iipon para sa kinabukasan ng mga bata.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento