Advertisement

Responsive Advertisement

Zayn Malik, Nagbigay Ng Taos-Pusong Mensahe Para Kay Liam Payne: 'I Lost a Brother When You Left Us'

Biyernes, Oktubre 18, 2024

 



Nagbigay ng taos-pusong mensahe si Zayn Malik para sa kanyang dating bandmate sa One Direction, si Liam Payne, matapos itong pumanaw noong Oktubre 16. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ni Zayn ang kanyang matinding pagdadalamhati at pagmamahal para sa yumaong kaibigan.


Sa kanyang mensahe, sinabi ni Zayn na madalas niyang napag-uusapan si Liam, umaasang maririnig ito ng kanyang kaibigan. Ibinahagi rin ni Zayn ang kanyang panghihinayang na hindi niya nagawang pasalamatan si Liam sa mga pagkakataong tinulungan siya nito noong sila'y mas bata pa.


"Liam, I have found myself talking out loud to you, hoping you can hear me," saad ni Zayn. "I never got to thank you for supporting me through some of the most difficult times in my life. When I was missing home as a 17-year-old kid, you were always there with a positive outlook and reassuring smile."


Dagdag pa ni Zayn, kahit na mas bata si Liam, ito raw ang mas matino at responsable sa kanilang dalawa. Ibinahagi rin niya ang respeto at paghanga na naramdaman niya para kay Liam, kahit pa nagkaroon sila ng ilang hindi pagkakasundo.


Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, sinabi ni Zayn na nawalan siya ng isang kapatid sa pagkawala ni Liam. "I lost a brother when you left us and can't explain to you what I'd give to just give you a hug one last time and say goodbye to you properly."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento