Hindi inaasahan ng publiko ang pagsambulat ng kwento ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) at mamamahayag na si Sarah Balabagan-Sereno tungkol sa kanyang nakaraan kasama ang kilalang broadcaster na si Arnold Clavio. Apat na araw ang nakalipas nang kinumpirma ni Balabagan ang mga ulat patungkol sa kanilang naging relasyon noong siya ay 17 taong gulang pa lamang at si Clavio ay nasa edad na 32. Ang rebelasyong ito ay muling nagbigay-linaw sa mga dating haka-haka tungkol sa tunay na ama ng panganay na anak ni Balabagan.
Naging laman ng pahayagan si Balabagan noong 1994 nang masangkot siya sa isang krimen sa United Arab Emirates (UAE) bilang pagtatanggol sa kanyang sarili laban sa masamang balak ng kanyang employer. Siya noon ay 14 anyos lamang, ngunit nagsinungaling tungkol sa kanyang edad upang makahanap ng trabaho sa ibang bansa. Nakulong si Balabagan nang tatlong taon dahil sa insidente, ngunit siya ay nakalaya sa tulong ng gobyerno ng Pilipinas at ng ilang kilalang personalidad.
Ayon kay Balabagan, mabilis siyang nakuha ni Clavio dahil sa kanyang "sense of humor." Naging malapit sila habang kinokober ni Clavio ang kanyang kwento, at nagkaroon sila ng pribadong relasyon. Ibinahagi rin ni Balabagan kung paano siya ipinasya ni Clavio sa Kamaynilaan at dinala sa mga sinehan. Bilang isang kabataang OFW na galing pa sa Mindanao, natuwa si Balabagan sa kabaitan at atensyon na ipinakita ni Clavio.
"Alam niyo po kung gaano siya ka kengkoy, hindi lamang po 'yung mukha niya, kundi 'yung sense of humor niya, kahit na malungkot ako ay napapatawa niya ako," sabi ni Balabagan. Idinagdag pa niya na noong mga panahong iyon, siya ay nasa isang vulnerable na estado dahil sa kanyang pagkakakulong sa UAE.
Ayon kay Balabagan, maingat nilang itinago ang kanilang relasyon sa publiko. Sinunod niya ang payo ni Clavio na huwag itong ipagsasabi kahit kanino. “Simula noong nagkaroon kami ng relasyon ni Arnold, ang payo niya sa akin lagi ay ‘walang aminan, kahit anong mangyari wag kang aamin,’” ani Balabagan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento