Advertisement

Responsive Advertisement

Arnold Clavio, May Matinding Paalala kay Dating Pangulong Duterte: “May Hangganan ang Kayabangan”

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 



Sa gitna ng kasalukuyang Quad Committee hearing, nagbigay ng matinding paalala ang beteranong mamamahayag na si Arnold Clavio. Kanyang binalikan ang naging pahayag ng dating pangulo tungkol sa umano'y pagtapos ng buhay ng ilang tao at nagbigay ng saloobin ukol sa pagbabagong-loob at hustisya.


Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Arnold ang halaga ng pagbabago at ang posibilidad ng pagtahak ng tao sa mas mabuting landas. Ayon sa kanya, bawat isa sa atin ay binibigyan ng pagkakataon upang magbago at ituwid ang maling nagawa. “Lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataon na magbago. At kung ginusto mo na manatiling masama sa mundong ibabaw, ang paghusga sa iyo ay nasa kabilang buhay,” ani Arnold.


Ipinapakita ng kanyang pahayag ang kanyang paniniwala na ang tunay na hustisya ay darating sa huling sandali ng ating buhay, at ang mga masamang gawain na hindi napapanagot dito sa mundo ay haharap sa mas malaking hukom sa kabilang buhay. Para kay Arnold, ang bawat pagkilos natin sa mundo ay may kaukulang kapalit at hindi natatapos sa kasalukuyan lamang.


Bukod sa pahayag niya ukol sa pagbabagong-loob, idinagdag ni Arnold na may “hangganan ang kayabangan.” Ayon sa kanya, tila hindi napaghandaan ng dating pangulo ang mga katanungan at diskusyon sa Quad Committee hearing at naipit ito sa mga matatalinong tanong ng mga miyembro. “May hangganan ang kayabangan. Tila hindi napaghandaan ng dating pangulo ang Quad Committee at pumasok siya sa pain ng mga miyembro nito,” dagdag pa ni CArnoldlavio.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento