Usap-usapan ngayon sa social media ang latest merchandise ng Pinoy pop group na BINI—isang tote bag na binatikos ng mga netizens dahil sa itsura nitong kahawig daw ng isang trash bag na nilagyan ng strap. Sa video na kumalat online, makikitang ineendorso ng BINI member na si Maloi ang nasabing shopping bag, ngunit sa halip na maging patok sa mga fans, umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko, karamihan ay negatibo.
Iba't ibang reaksyon ang lumitaw sa social media, karamihan ay may negatibong komento tungkol sa disenyo at kalidad ng tote bag. Isang netizen ang nagkomento, “Kahit ako, di ko tatanggapin yan. Maganda pa yung tote bag sa SM Dept Store.” May ilan pang nagsabi na tila hindi pinag-isipan ang disenyo at mukhang minadali ang paggawa ng tote bag.
Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa kalidad ng produkto, lalo na’t ang BINI ay isang grupo na kilala sa kanilang masinop na imahe at mataas na antas ng pagpapakita ng talento. Sa kabila ng kanilang tagumpay bilang isang P-pop group, ang merchandise na ito ay tila naging mantsa sa kanilang imahe ayon sa ilang tagasubaybay.
Sa kabila ng mga pintas, may ilan namang fans na nagtanggol sa BINI at nagsabing hindi dapat i-bash ang grupo dahil lamang sa merchandise. Para sa kanila, ang tote bag ay bahagi ng suporta sa grupo at hindi dapat maging basehan ng kabuuang imahe ng BINI. May ilan ding nagbanggit na ang mga merchandise ng grupo ay bahagi ng mga pagkakakitaan upang masuportahan ang kanilang mga proyekto at promosyon bilang P-pop idols.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento