Patuloy na pinatunayan ni BINI Aiah ang kanyang dedikasyon hindi lamang sa musika kundi pati na rin sa kalikasan. Matapos ang matagumpay na grand concert ng P-Pop girl group na BINI, nanguna si Aiah sa isang environmental advocacy activity sa La Union, kung saan isinagawa ang beach clean-up at pagtatanim ng mangrove trees. Ang aktibidad na ito ay isang inspirasyon sa mga fans at patunay ng malasakit ng BINI sa kalikasan at komunidad.
Matapos ang emosyonal at matagumpay na concert ng BINI, piniling gamitin ni Aiah ang oras niya upang makilahok sa isang makabuluhang proyekto. Sa halip na magpahinga, pinangunahan niya ang beach clean-up sa Elyu (La Union), na kilala bilang isa sa mga pinakasikat na surfing destinations sa Pilipinas. Kasama ng ilang volunteers, binigyang pansin ni Aiah ang mahalagang layunin na linisin ang baybayin mula sa mga basura.
Hindi natapos dito ang kanyang adbokasiya dahil kasunod ng clean-up ay nagtanim din sila ng mga mangrove trees. Ang pagtatanim ng mangroves ay mahalaga upang maprotektahan ang baybayin mula sa soil erosion at para mapanatili ang marine biodiversity sa lugar.
Umani ng papuri at suporta mula sa netizens at fans ang ginawa ni Aiah. Marami ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa dedikasyon ng singer na makatulong sa kalikasan sa kabila ng kanyang abalang schedule bilang miyembro ng isang sikat na girl group.
Narito ang ilang reaksyon mula sa fans:
“BINI Aiah, ikaw na talaga! Sobrang nakakainspire ang ginagawa mo para sa kalikasan. Hindi lang ikaw magaling sa stage, pati na rin sa pagtulong sa komunidad.”
“Ito ang idol na dapat tularan. May pakialam sa kapaligiran at ginagawang halimbawa para sa kabataan.”
“Kaya mahal na mahal ko ang BINI! Hindi lang sila magaling, may puso pa sila para sa environment.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento