Ang Pinoy Big Brother Gen 11 Winner na si Sofia “Fyang” Smith ay muling nasa gitna ng kontrobersya matapos siyang punahin ng netizens sa kanyang pagho-host ng isang MYX event. Bagamat maraming fans ang natuwa sa pagbibigay ng pagkakataon kay Fyang na maging presenter sa isang prestihiyosong music channel, may ilan ding hindi naiwasang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa kanyang hosting skills at sinasabing “ugaling kanal.”
Ayon sa ilang mga kritiko, hindi raw bagay kay Fyang ang pagiging MYX presenter dahil hindi umano ito akma sa kanyang personalidad. Ang formal hosting ay nangangailangan ng professional at refined na approach, ngunit ayon sa ilang netizens, hindi raw ito nakita sa performance ni Fyang sa naturang event.
“Formal hosting is not really her thing,” komento ng isang netizen. Marami ang nagsasabing masyado raw pabibo at kulang sa finesse ang kanyang paraan ng pagho-host, na nagdulot ng hindi magandang impresyon sa audience. Ayon pa sa iba, ang kanyang istilo ay mas angkop sa mas casual na platform tulad ng vlogging o social media, ngunit hindi sa isang platform na tulad ng MYX.
Bukod sa hosting skills, may mga netizens din na pumuna sa personalidad ni Fyang, na sinasabing hindi raw ito magandang ehemplo para sa kabataan. Isang netizen ang nagkomento:
“Bakit kaya pinasisikat nila ito? Ugaling kanal naman.”
Ang ganitong komento ay nag-ugat umano sa mga past actions ni Fyang habang nasa loob ng Pinoy Big Brother house, kung saan ilang beses na siyang napuna dahil sa kanyang masyadong prangkang ugali. Bagamat marami ang humanga sa kanyang pagiging totoo, may ilan ding nagsasabing ang kanyang pagiging “walang preno” ay hindi angkop para sa isang public figure na nasa spotlight ngayon.
Ayon pa sa isang netizen:
“Ayan kasi, bagong meta ngayon. Kung gano ka-kanal ang ugali mo, mas sisikat ka. Kaya nga ang daming kabataan ngayon ang mga bastos magsalita o umasta. Tapos bibigyan pa sila ng mga public figures na tulad niyan.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento