Isang Grab driver ang umani ng batikos matapos itong mahuling nagsusugal sa kanyang cellphone habang may pasahero sa likod. Ang pasahero, na hindi na napigilan ang kanyang pagkabahala, ay agad na nagbahagi ng kanyang karanasan sa social media. Ayon sa kanya, habang umaandar ang sasakyan, patuloy na naglalaro ang driver sa kanyang cellphone, na nagdulot ng takot at inis sa posibleng panganib sa kanilang biyahe.
Ayon sa pasahero, sinimulan niyang mapansin ang kakaibang asal ng driver nang sila’y magsimula nang bumiyahe. Habang bumabaybay sa kalsada ng ParaƱaque, napansin niyang laging nakatutok ang driver sa kanyang cellphone at naglalaro ng isang mobile gambling app.
"Nakakainis yung habang nagd-drive siya, talagang naglalaro siya ng naglalaro," pagbabahagi ng pasahero.
Sinabi pa niya na hindi nagamit ng driver ang Waze app dahil sa kanyang paglalaro. Dahil dito, ilang beses tinanong ng driver ang pasahero tungkol sa direksyon. Sa halip na sumagot, umasa ang pasahero na magbubukas ito ng Waze at tumigil sa paglalaro.
Aminado ang pasahero na hindi niya agad sinita ang driver dahil sa takot na maaaring magdulot ito ng tensyon.
"I did not call him out kasi alam kong idadahilan niyang traffic sa Pque. But kuya naman, umaandar tayo! Safety first!"
Sa kabila nito, natakot siya sa ideya na maaaring madiskrasya sila dahil sa kawalang-ingat ng driver. Pagkatapos ng biyahe, agad niyang ni-report ang insidente sa Grab upang aksyunan ang naturang insidente.
Ang insidenteng ito ay nagdulot ng matinding reaksyon mula sa mga netizens na hindi natuwa sa naging asal ng driver. Marami ang nagsabing ang ganitong uri ng pag-uugali ay hindi katanggap-tanggap lalo na’t pinagkakatiwalaan sila ng mga pasahero sa kanilang kaligtasan.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
“Grab drivers are entrusted with lives. Kung ganito ang asal ng iba sa kanila, dapat agad silang tanggalin sa serbisyo.”
“Hindi biro ang magmaneho sa traffic ng Metro Manila. Dapat 100% focus ka, hindi naglalaro habang umaandar ang sasakyan!”
“Pasahero ang nahihirapan kapag ganito. Tama lang na i-report siya para maimbestigahan.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento