Advertisement

Responsive Advertisement

Karl Eldrew Yulo, Ibinahagi ang Tunay na Yaman: Ang Pamilya ang Pinakamahalagang Napanalunan

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 



isang malaking inspirasyon ang kapatid ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Karl Eldrew Yulo sa kanyang kamakailang pahayag tungkol sa pinakamahalaga at pinakamagandang bagay na kanyang natanggap mula sa mga napanalunang kompetisyon. Sa kabila ng kanyang mga tagumpay bilang gymnast champion sa iba’t ibang international competitions, hindi materyal na bagay ang itinuring niyang pinakapahalaga—kundi ang kanyang pamilya.


Sa isang panayam, tinanong si Karl kung ano ang pinakamahal na bagay na kanyang natanggap mula sa kanyang mga panalo, at kaagad niyang sinagot na ang pamilya niya ang tunay na yaman. Hindi tulad ng karamihan na maaaring magbanggit ng mga medalya o premyo, ipinakita ni Karl na para sa kanya, ang pagmamahal at suporta ng kanyang pamilya ang siyang pinakamahalaga sa lahat.


“Sobrang halaga po ng family ko sa akin. Kasi nandiyan po sila kahit nasa highs, nasa lows po ako, mga ganoon. Sinusuportahan nila ako through emotion, financially, kahit ano pa 'yan sinusuportahan nila ako,” ani Karl, na nagpapakita ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang pamilya na hindi kailanman nagkulang sa pagsuporta sa kanya sa kabila ng mga hamon sa larangan ng sports.


Ibinahagi rin ni Karl na ang kanyang pamilya ang dahilan kung bakit nakakapagpatuloy siya sa kabila ng hirap ng pagsasanay at kompetisyon. “Sinusuportahan nila ako, gusto nila kung ano yung mas nakakabuti sa'kin,” dagdag ni Karl, na nagpapakita ng pagpapahalaga sa gabay at direksyon na ibinibigay ng kanyang pamilya sa kanyang buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento