Advertisement

Responsive Advertisement

Mas Ligtas na Pilipinas sa Ilalim ng Pamumuno ni PBBM: Benhur Abalos Ipinagmalaki ang Bumabang Krimen

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 



Ipinahayag ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang kanyang kagalakan at pagmamalaki sa naging pagbuti ng kaligtasan at kaayusan ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Ibinahagi ni Abalos na ang pagbaba ng mga krimen ay bunga ng mas pinaigting na mga hakbang sa seguridad at mga polisiya ng kasalukuyang administrasyon.


"I can say that our crime situation has significantly decreased under the Marcos administration. Mayroon tayong datos na magpapatunay diyan." saad ni Abalos


Ayon kay Abalos, may mga datos mula sa Department of Justice (DOJ) na nagpapakita ng malaking pagbaba ng mga kaso ng krimen. Mula Hulyo 1, 2022 hanggang Enero 31, 2024, bumaba ng 10.66% ang kabuuang bilang ng mga krimen sa bansa. Ito ay itinuturing na mahalagang tagumpay ng administrasyon na naglalayong palakasin ang kapayapaan at kaayusan sa bawat sulok ng Pilipinas.


Inilahad din ni Abalos na ang pagbaba ng kriminalidad ay resulta ng mga inisyatibo ng pamahalaan sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang na ang masusing pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) at mas aktibong kooperasyon sa komunidad. Naglaan din ang administrasyon ng mga pondo at programa para sa training ng mga pulis at pagpapalakas ng mga community patrol, upang masiguro na mas magiging epektibo ang pagpapatupad ng batas.


Mas lalong naging kapansin-pansin ang datos na ito matapos banggitin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mas lumala umano ang kaguluhan sa bansa noong siya’y bumaba sa puwesto. Sa kabila ng pahayag ni Duterte, ipinakita ng kasalukuyang administrasyon na patuloy nilang pinapaigting ang seguridad at gumagawa ng mga hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento