Pinayagan muli ni Mayor Honey Lacuna ang pagbabalik ng mga street vendors sa Divisoria, ngunit sa kondisyon na magbabayad sila ng ₱2,000 kada araw para sa kanilang pwesto. Ang hakbang na ito, ayon sa Manila City Hall, ay layuning suportahan ang maliliit na negosyante, ngunit hindi ito nagustuhan ng karamihan sa mga Manileño dahil sa posibleng pagbabalik ng trapiko, kasikipan, at kalat sa lugar.
Ayon sa anunsyo ng Manila City Hall, ang mga street vendors ay muling papayagang magtinda sa Recto Avenue at iba pang bahagi ng Divisoria. Ang ₱2,000 na arawang renta ay gagamitin umano para sa operasyon at pagpapanatili ng kaayusan sa lugar, ayon sa opisyal na pahayag ng City Hall.
Sinabi ng opisina ni Mayor Lacuna:
"Ang layunin nito ay bigyan ng oportunidad ang ating mga kababayan na makapaghanapbuhay nang maayos habang sinisiguro rin na magiging organisado ang kanilang operasyon sa Divisoria."
Hindi ikinatuwa ng maraming residente at netizens ang desisyong ito. Ayon sa kanila, ang pagbabalik ng mga street vendors ay magdudulot lamang ng mas matinding trapiko at kalat, lalo na sa isang lugar tulad ng Divisoria na kilala na sa pagiging siksikan.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:
“Luminis na ang Divisoria noon, bakit ngayon babalik nanaman ang kalat at trapiko? Ang mahal pa ng renta, sino ang makikinabang dito?”
“Sa ₱2,000 kada araw, paano kikita ang maliliit na negosyante? Mukhang ito ay para sa mga may kaya na lang.”
“Hindi makatarungan ang desisyong ito. Mas magiging magulo lang ang Divisoria!”
Ano bang pakealam niyo? Ang kalsada ng divisoria ay binigay sa aming mga Street vendors noun pa sa Panahon ni erap. Ninakaw lang sa amin ni isko. Hindi kami lumuwas mula Mindanao para lang apihin dito sa manila. Magkakapatayan tayo pag inagaw ulit yan!
TumugonBurahin