Isang nakakagulat na balita ang kumakalat ngayon sa showbiz kung saan nagsalita na ang aktres na si Rita Daniela tungkol sa insidente ng pambabastos na ginawa ng kanyang co-star na si Archie Alemania. Sa Thanksgiving Party ng kanilang programa naganap ang insidente, na ayon kay Rita ay ilang beses na siyang nakaranas ng kawalang-galang mula kay Archie.
"I pushed Archie with all my might while shouting at him to stop. I struggled several times but he did not stop on brushing his lips on mine against my will" wika ni Rita.
Ayon kay Rita, noong una ay ipinagsawalang-bahala na lamang niya ang mga kilos ni Archie dahil naisip niya na posibleng epekto lamang ito ng labis na alak. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na sa mga ganitong salu-salo, natural na may kasamang inuman, ngunit sa pagkakataong ito ay tila naging hindi maganda ang kinahinatnan ng kasayahan para kay Rita.
Sa kabila ng hindi magagandang kilos ni Archie noong gabi ng party, pumayag pa rin si Rita na magpahatid sa aktor. Pinagbigyan niya si Archie sa kabila ng mga pangyayari dahil inakala niyang wala na itong tama at ayos na ang kanyang pag-iisip. Ngunit dito nagkamali si Rita. Sa halip na maayos na ihatid, mas lalo pang lumala ang sitwasyon at ang pambababoy kay Rita ay naging mas malala.
Naging matapang si Rita sa pagbabahagi ng pangyayaring ito, at inamin niyang labis siyang nasaktan at nainsulto. Kinabukasan, humingi naman ng paumanhin si Archie kay Rita, ngunit tila huli na ang lahat para sa aktor. Ayon sa aktres, hindi maibabalik ng simpleng sorry ang dignidad at respeto na nawala dahil sa ginawang pang-iinsulto sa kanya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento