Nilinaw ng komedyante at TV host na si Vice Ganda na wala siyang kinalaman sa desisyon ng kanyang asawa. Sa isang panayam kasama si Ogie Diaz, binigyang-diin ni Vice na hindi niya pinigilan o impluwensiyahan si Ion sa kanyang desisyon na tumakbo o umatras sa midterm elections ng 2025.
Ipinahayag ni Vice Ganda na bagamat may mga usap-usapang siya ang dahilan ng pag-atras ni Ion sa politika, wala raw siyang anumang naging impluwensya sa desisyon ng kanyang asawa. Ayon kay Vice, hindi niya pinilit si Ion na magpatuloy o umatras sa pagtakbo. “Hindi ko siya pinigilan. Kung gusto niya, susuportahan ko siya,” ani ni Vice, na nagpapakita ng kanyang buong suporta sa anomang desisyon ni Ion.
Para kay Vice, mahalaga na ang kanyang asawa ay magkaroon ng sariling desisyon at landas na tatahakin sa larangan ng politika. Binigyang-diin niya na iginagalang niya ang anumang plano ni Ion, at handa siyang suportahan ito kung iyon ang kanyang magiging desisyon. “Si Ion ang may desisyon para sa sarili niya. Kung anuman ang gusto niyang gawin, nasa kanya iyon at susuportahan ko siya,” dagdag ni Vice.
Ayon kay Vice, sa kabila ng mga kontrobersiya at panghuhusga mula sa publiko, patuloy niyang sinusuportahan si Ion sa mga pangarap nito, kabilang na ang posibilidad na pumasok sa pulitika. Bagamat hindi naituloy ni Ion ang kanyang planong pagtakbo sa 2025 elections, sinabi ni Vice na bukas pa rin siya sa posibilidad na muling subukan ni Ion ang politika sa hinaharap kung sakaling maging handa ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento